Letter from a Whore? No.. Something More...

Well, this is quite long and it is in Filipino...

Hope you'll read it. It's not nonsense... you'll find out what the letter really means in the end.


Minsan may isang puta
Author : Mike Portes

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod
niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa
buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa
Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako.

Gusto kong isigaw:


"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"


Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.




Pilipinas nga pala.

Christmas Vacation

This sucks!!!

Yeah I am "quite" enjoying this Vacation but... teachers gave us a lot of tortures to do... DAMMIT!!!

What a Meaningful Gift

Wohoo!!! Dammit!!! Yey!!! Shit!!! Wow!!! Crap!!! I don't know how I should feel right now. Seriously.

This afternoon, I just got my first ever VIOLATION REPORT in school.

After being a student with clean records for 12 years, not to mention being an honor student, I finally got my first ever offense... and it's not just an ordinary student's deportment report -- but a violation report. It's like having three SDRs.

Oh the heck! I thought I was given this because I'm a part of a sorority; I cut class; I forged our principal's signature at the back of my notebook; I drank brandy; or something else that I might have done and was a really wrong thing to do. But then, I was given the stupid report for a not-so-reasonable explanation. It was written in the "others: __________" portion -- stated as, did not comply with school policy regarding the report card.

What the hell?! Was it my fault that no one from my side was able to attend the parents' meeting last week and get my report card? HELL NO!!! and besides, I even had a letter signed by my mother that no one will be able to attend the said meeting.

This sucks, there are a lot of grounds for violation that almost all of the students in our school are guilty of... but then, I had mine in the "others" category. Dammit!!! This is just so unfair!

*************************

Here are the possible offenses:
  • dishonesty, cheating, theft
  • smoking, possession and/or consumption of alcoholic beverages
  • use of profane or indecent language
  • possession/distribution of indecent material
  • gross disrespect, discourtesy to school authority personnel
  • insubordination/defiance or abusive behavior towards school authorities
  • consistent disruption of lesson through inappropriate noise, excessive movement or disrespectful behavior
  • possession/use/sale (whether on or off campus) of dangerous drugs
  • refusal to cooperate with disciplinary sanctions
  • injuring the school's name and reputation through reprehensible public acts on or off campus
  • cutting class(es)
  • truancy
  • unauthorized departure from campus
  • forgery of ___ signature
  • threatening, intimidation, provoking fights, coercion
  • quarelling, fights, inflicting injury, assault
  • vandalism/destruction of school other property affiliation with any organization whose objectives and activity counter to school policies
  • possession or/use/sale of deadly weapons/firecrackers
  • violation in library rules
  • fraternity membership/involvement in hazing
  • consistent violation of school policies and regulation
  • violation of computer and internet surfing rules
*************************

Almost every student in school have violated one of these things. ARGGHHH!!!

Rumor on Rizal

I just found this in our gothic forum... it was from Rhoniel and it is quite interesting though only Rizal himself seems to know if it's true..:

An article from the Philippine Daily Inquirer records some Philippine urban legends: the "White Lady" of Balete Drive, Robina Gokongwei's "snake twin" lurking in department store dressing rooms, the elusive "kapre" that lives in an ancient mango tree near the Emilio Aguinaldo house in Kawit town, and Andres Bonifacio's love child from a place aptly named Libog (now Santo Domingo) in Albay province. None of those mean much to me. But most of the article is devoted to discussing two other Philippine legends that are of more general interest. The first one is that Jose Rizal, the national hero of the Philippines, "was the father of Adolf Hitler, the result of an indiscretion with a prostitute in Vienna." The second one is that Jose Rizal was also Jack the Ripper:
Rizal was in London from May 1888 to January 1889, in the British Library copying "Sucesos de las islas Filipinas" by hand because there were no photocopying machines at the time. Jack the Ripper was active around this time, and since we do not know what Rizal did at night or on the days he was not in the library, some people would like to believe Rizal is suspect. They argue that when Rizal left London, the Ripper murders stopped. They say that Jack the Ripper must have had some medical training, based on the way his victims were mutilated. Rizal, of course, was a doctor. Jack the Ripper liked women, and so did our own Rizal. And -- this is so obvious that many overlooked it -- Jose Rizal's initials match those of Jack the Ripper!

Paskong Himig Finals

The finals for the Paskong Himig, Senior's category, was held last night at the Pasig City Convention Center... It started at about 6pm and ended at about 10pm. Our school was in charge, well.. not all, but yeah.. in charge for the said activity (emcees, doxology, national anthem, intermission numbers, ushers and usherettes, etc..).

**********
The Dancers





haha... we looked like preps...

I'm not preppy... but I look cute (?). HAHA!!!




Popular Posts